Radio Philippines Network
National News

Community quarantine violators umabot na sa higit 210,000 —JTF

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga lumalabag sa community quarantine sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield, umabot na sa 210,109 ang bilang ng mga violators simula nang ipatupad ang community quarantine noong ika-17 ng Marso hanggang ika-29 ng Hunyo.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, mula sa kabuuang bilang ng mga lumabag, 112,373 dito ang binigyan ng warning; 33,362 ang pinagmulta; habang 66,916 naman ang tuluyang inaresto.

Aniya, mayorya sa mga lumabag sa community quarantine ang mga indibidwal na nagtatago at nagbebenta ng mga overpriced medical supplies at mga PUVs na bumiyahe kahit na ipinagbabawal.

Samantala, patuloy namang nagmomonitor ang JTF COVID Shield sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang mahigpit na ipinatutupad ang mga quarantine protocols.

Related posts

Mga magsasakang apektado ng pagbagsak-presyo ng palay inayudahan

Powered by DWIZ

Guevarra inatasan ang bagong hepe ng BuCor na linisin ang kalat na idinulot ng GCTA

Powered by DWIZ

BOC mas higpitan ang pre inspection sa mga containers na dumarating.

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More