Radio Philippines Network
Headlines National News

Metro Manila ‘di kailangang ibalik sa ECQ —WHO

Hindi na kailangan pang ibalik ang Metro Manila sa mas istriktong quarantine measure.

Ito ang inihayag ni World Health Organization (WHO) Acting Representative Rabindra Abeyasinghe, kasunod ng pagkabahala nito sa magiging epekto sa ekonomiya ng Pilipinas kung muling ibabalik ang National Capital Region sa mas mahigpit ng quarantine gaya ng enhanced community quarantine (ECQ).

Para kay Abeyangsinghe, mas mainam na ipatupad na lamang ang localized lockdowns sa mga piling lugar kung saan tumataas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Samantala, muli namang pinapaalala ng WHO sa publiko ang pagsunod sa health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face masks upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.

Related posts

Happyland sa Tondo, Maynila nasunog

Powered by DWIZ

8 hikers patay sa Flash Flood sa Mexico

Powered by DWIZ

CHED iminungkahi na gawing mandatory ang ROTC sa SUCs

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More