Radio Philippines Network
National News

Task force vs. COVID-19 dapat manatili ng 2-3 taon —Marcos

Iminungkahi ni Senadora Imee Marcos na dapat manatili ang task force na nangunguna sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon hanggat wala pang bakuna laban sa sakit.

Ito ay kasunod ng lumabas na ulat umano ng World Health Organization (WHO) na Pilipinas ang may pinakamabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa buong Western Pacific Region.

Iginiit din ni Marcos ang pagkakaroon ng task force sa national level at local level.

Ayon pa sa senadora, ang naturang task force ay iba sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan ang mga opisyal ay pawang mga pinuno rin ng iba’t ibang departamento sa pamahalaan kung kaya’t hindi lubos na nakatuon sa pandemyang COVID-19.

Samantala, mariin namang itinatanggi ng WHO na mayroon itong inilabas na ulat kaugnay sa pangunguna ng bansa sa pagdami ng COVID-19 cases.

Related posts

Mag-asawang miyembro ng CPP-NPA arestado sa Bulacan

Powered by DWIZ

OFW na pinaslang ng amo sa Kuwait basag ang ulo ayon sa imbestigasyon — Locsin

Powered by DWIZ

95 years old na lolo sa Mandaluyong City, pinakamatandang COVID-19 survivor sa bansa

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More