CHR ikinabahala ang pagpapalawig ng ML sa Mindanao

0
41

Ikinababahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapalawig ng batas militar sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay CHR Chairman Jose Luis Gascon, isang mapangnib na hakbang ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao, dahil posible pa aniyang madagdagan ang bilang ng mga biktima ng human rights violations.

Matatandaang, pinagtibay ng joint session ng Kongreso ang isa pang taong martial law extension sa Mindanao.

Samantala, nanindigan naman si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ang batas militar dahil nananatili pa rin aniya ang banta ng terorismo sa lugar.