29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Con-Com nagbabala sa ipinasang federal draft sa Kamara

- Advertisement -

Nagbigay babala ang chairman ng Consultative Committee (Com-Com) ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ipinasang draft federal charter ng Kamara.

Ayon kay Con-Com Chairman Reynato Puno, hindi lehitimong federal form of government ang nakasaad sa draft na pinasa ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Naiiba aniya ito sa orihinal na sistema ng pamahalaan, dahil lumalabas na Kongreso ang magkakaroon ng kapangyarihan sa pagbuo ng federal states.

Ilan sa mga probisyon sa ilalim ng ipinasang resolusyon ay ang pagsali sa lawless violence bilang grounds para mag-deklara ng martial law.

Samantala, sinabi rin ni puno na interes ng publiko at mga solusyon sa problema ng bansa ang dapat na sentro ng binubuong saligang batas na magbabago sa sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -