Sunday, May 5, 2024

Checkpoints plano ring gawing ‘modified’ —Police HPG chief

- Advertisement -

Pinaplano na ngayon ng pulisya na gawin ding modified ang checkpoints dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.

Bunsod ito ng mas maluwag na protocols matapos na ilagay na lamang sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng Police Highway Patrol Group, posibleng ilipat na lamang ang mga checkpoints sa EDSA sa iba pang pangunahing kalsada gaya ng Katipunan, Commonwealth, C5 Road at Roxas Boulevard na lamang ang mga checkpoints.

Aniya, kailangan kasing paluwagin ang EDSA upang maging tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko.

Sinabi ni Cruz, sa ilalim kasi ng MECQ, mas marami ang otorisadong indibiwal na maaring lumabas ng kani-kanilang mga tahanan kaya’t inaasahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko dahil sa mas maraming mga sasakyan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img