Negosyanteng si Francis Leo Marcos inaresto ng NBI

0
22

Inaresto ngayong Martes ng hapon, ika-19 ng Mayo, ng National Bureau of Investigation (NBI) ang online personality at negosyanteng si Francis Leo Marcos.

Batay sa report, inihain ng Cybercrime Division ang warrant of arrest kay Marcos dahil sa paglabag nito sa Optometry Law o Republic Act 8050, na nauna nang isinampa laban sa kanya sa Baguio City.

Dipensa ni Marcos, ang kasong isinampa sa kanya noong 2005, ay dahil sa pamamahagi nito ng mga libreng salamin sa mahihirap na residente sa Baguio.

Ito naman aniya ay minasama ng mga bentahan ng salamin, dahil wala na raw kinikita ang mga ito.

Nakilala si Marcos dahil sa ā€œmayaman challengeā€ nito sa online video platform na Youtube.

Sa naturang challenge, hinimok nito ang kanyang mga kapitbahay sa Quezon City na magbigay ng tulong sa mga kapos palad nating kababayan ngayong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Sa kasalukuyan, umani na ng higit 1-milyong followers, habang mayroon ding ibaā€™t-ibang mga Facebook pages na naghahayag ng suporta kay Marcos.