Saturday, May 4, 2024

CBCP suportado ang pagpapasara ng mga gaming outlets ng PCSO

- Advertisement -

Suportado ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang mga gaming outlets sa ilalim ng PCSO o Phil. Charity Sweepstakes Office.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, kahanga-hanaga ang naging kautusan ng pangulo na ipasara ang mga lotto outlets at ibang gaming outlets ng PCSO.

Aniya, tila lahat ay panalo sa direktiba na ito ng pangulo dahil muli nitong maitataguyod ang moralidad ng mga Pilipino.

Paliwanag ni Santos, hindi maikakaila na ang pagsusugal ay bisyo na ng mga Pilipino na pinag-uugatan ng kaliwa’t-kanang korapisyon.

Giit pa ng obispo, umaasa sila na ipagpapatuloy ng pangulo ang pagsugpo sa anumang uri ng sugal sa bansa.

Matatandaang, epektibo noong Sabado, Hulyo 27 ang direktiba ng pangulo kung saan pumalo sa 30,200 lotto outlets sa buong bansa ang isinara ng PNP o Phil. National Police.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img