Saturday, May 4, 2024

Buntis na Pinay nurse sa London pumanaw dahil sa COVID-19, bata sa sinapupunan naisalba

- Advertisement -

Naisalba ang bata sa sinapupunan ng 28-anyos na Pinay nurse sa London matapos itong masawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang nasawing Pinay nurse ay nakilalang si Mary Agyeiwaa Agyapong, nakatalaga sa general ward ng Luton and Dunstable University Hospital sa London.

Hindi pa naman malinaw kung nahawahan ng virus ang kaniyang sanggol,

Ayon sa Bedforshore Hospitals NHS Foundation Trust, si Agpayong ay nagpositibo sa COVID-19 noong April 5 at na-confine sa pinagtatrabahuhang ospital noong April 7.

Nagpaabot naman nang pakikidalamhati sa pamilya ng Pinay nurse ang mga kasamahan nito sa ospital at maging sa foundation matapos nilang taguriang ‘fantastic nurse’ ang Pinay na limang taong naging empleyado sa ospital.

Samantala, pinaniniwalang ang 106-taong gulang na si Connie Titchen ang pinakamatandang COVID-19 patient sa Britanya na gumaling mula sa mga komplikasyon ng nasabing virus.

Ipinabatid ng mga doktor sa city hospital sa Birmingham, England ang tatlong linggo pakikibaka ni Titchen sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img