Friday, May 3, 2024

Bilang ng pagyanig sa paligid ng bulkang Taal umakyat na sa higit 600

- Advertisement -

Nakapagtala na ng 666 na volcanic earthquakes ang Phivolcs mula nang magsimula ang pag-aalburuto ng bulkang Taal noong Enero 12.

Ayon kay Phivolcs Director Undersecreatry Renato Solidum, dumarami rin ang nakikitang fissure o pagbibitak-bitak ng lupa sa mga bayan ng Agoncillo, Lemery, Talisay at San Nicolas sa Batangas.

Paliwanag ni Solidum, ang mga nangyayaring pag-angat ng lupat at pagbagsak ng ilang bahagi at patuloy na volcanic earthquakes ay nangangagulugang umaakyat ang magma.

Bunsod nito patuloy pa rin ang pagmomonitor ng Phivolcs sa mga aktibidad ng bulkang Taal.

Kaugnay nito, hinikayat ni Solidum ang publiko na gumamit ng hazard hunter Ph app para makita kung may panganib bunsod ng pag-aalburuto ng bulkan ang isang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img