34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

4 pang bagong kaso ng misteryosong sakit naitala sa China

- Advertisement -

Nakapagtala ng 4 na bagong kaso ng misteryosong sakit ang Chinese Health Authorities sa Central Wuhan City kung saan nagsimula ang outbreak.

Ayon sa Wuhan Municipal Health Commission, nasa stable nang kondisyon ang 4 na bagong biktima matapos makitaan ang ito ng pneumonia noong Huwebes, January 16.

Martes nang kumpirmahin ng mga awtoridad sa Wuhan China ang ikalawang nasawing pasyente ng nabanggit na misteryosong sakit na sinasabing sanhi ng bagong strain ng coronavirus.

Una nang ibinabala ng World Health Organization (WHO) ang posibleng mas malawak pang outbreak ng sakit matapos ang lumabas ang ulat hinggil sa mahigit na 50 kaso nito.

Nakapagtala na rin ng 2 kaso nito sa Thailand at isa sa Japan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -