33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Cardinal Tagle emosyunal na humingi ng dasal para sa bagong misyon

- Advertisement -

Muling humingi ng panalangin sa mga Pilipino si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para bigyan siya ng ibayong lakas.

Ito’y para harapin ang panibagong misyon nito bilang Prefect of the Congregation on Evangelization of People na tinagurian ding “Red Pope” sa Vatican.

Sa kaniyang misa sa Sto. Niño Parish sa bahagi ng Tondo sa Maynila, hindi napigilang maging emosyunal ng kardinal habang umaapela ng panalangin.

Inaasahang ngayong buwan, lilisanin na ni Tagle ang kaniyang puwesto bilang arzobispo ng Maynila at saka tutulak patungong Roma para sa kaniyang bagong misyon.

Ang tanging hindi malinaw sa aking haharapin, pero babaunin ko po ang inyong awit at inyong sayaw. Siguro kapag litong-lito na ako, iindak-indak nalang ako duon.. Viva! viva! Sto. Niño—ani Cardinal Tagle.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -