35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Bilang ng mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng droga bumaba — Banac

- Advertisement -

Patuloy pa ring mino-monitor ng Philippine National Police (PNP) ang 22 pulis na sangkot umano sa drug recycling.

Ito’y ayon mismo kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, kung saan sinabi rin nito na bumaba na ang bilang ng mga pulis na sangkot sa pag-rerecycle ng illegal drugs.

Gayunman, nanindigan naman si Banac na batay sa kanilang pagbabantay ay ’tila tumigil na naman ang nasabing 22 pulis sa kanilang iligal na mga gawain.

Dagdag pa ni Banac, sa oras na muling lumabag ang mga nasabing pulis sa umiiral na batas ay agad naman silang maglulunsad ng operasyon laban sa mga ito.

Sa kabuuan, bumaba na sa 22 mula sa dating 87 pulis ang sangkot sa recycling ng iligal na droga

Gayunman, sinabi naman ni Banac na wala nang Heneral at Colonel ang sangkot dito sa halip— Police Major at Police Lieutenant at 19 na non-commissioned officers ang sangkot sa drug recycling.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -