Mga kapulisan naki-isa sa clearing operation sa nasunogan sa Baguio City

0
4

Baguio City – Ang mga pulis na kasapi ng Baguio City Police Office (CPO) ay nagsagawa ng clearing operation at clean-up drive sa mga tahanan na apektuhan ng sunog dyan sa Purok 3, Brgy MRR-Queen of Peace, lungsod ng Baguio noong araw ng Martes Abril a 16, 2024.

Ayon sa Baguio City Police Office, ang naturang sunog ay nangyari sa Barangay MRR–Queen Peace noong Sabado Abril a 13 na kung saan hindi hihigit sa pitong mga bahay at mahigit sa 100 naninirahan doon ay nawalan ng tirahan.

Bilang pagtugon, ang kapulisan katuwang nila ang miyembro ng Public Order and Safety Division, at ng iba pang volunteers mula sa iba’t ibang sector ng lipunan ay nagtrabaho upang linisin ang naturang lugar.

Ito ay kinabibilangan ng pag-aalis at pagtatapon ng sako sakong yagit na naiwan ng sunog upang masiguro na ang nasabing lugar ay malinis at ligtas sa paggamit ng publiko.

Ang pagtutulungan ay ginawa upang magbigay kaluwagan at tulong sa mga naapektuhan ng nasabing sunog. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: BCPO Baguio)

Leave a Reply