33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Hindi hahayaan ng pamahalaan na makaranas ng water service interruption ang Metro Manila — DOJ

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi ma-aapektuhan ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa kabila ng kuwestiyunableng kontrata ng mga water concessionaires sa pamahalaan.

Ito ay kaugnay ng legal battle sa pagitan ng pamahalaan, Manila Water Company Inc., at ng Maynilad Water Services Inc.

Kaugnay ito ng desisyon ng permanent court of arbitration na naka-base sa Singapore kung saan pinag-babayad nito ang pamahalaan ng mahigit sa P3-B sa Maynilad, at P7-B naman sa Manila Water.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi makararanas ng water service interruption ang Metro Manila at hindi hahayaan ng pamahalaan na maapektuhan ang publiko sa naturang isyu.

Babala pa ng kalihim, sa oras na putulin ng dalawang water concessionaires ang suplay ng tubig sa kanilang mga konsyumer ay handa naman ang gobyerno na mag-take-over dito.

Una rito, sinabi ni Guevarra na nanganganib na matalo ang pamahalaan dahil ipinagbabawal aniya ng 1997 concession agreement na maki-alam ang pamahalaan sa pagtatakda ng singil sa tubig at maaring pag-multahin ang gobyerno sakaling mamagitan ito sa pagtatakda ng singil sa tubig.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -