Friday, May 17, 2024

Bilang ng mga nakukulong sa Luzon dahil sa paglabag sa curfew umabot na ng mahigit 17,000

- Advertisement -

Tinatayang umabot na sa 17,309 ang bilang ng nakukulong sa Luzon sa paglabag sa ipinapatupad na lockdown.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, nakakaalarma ito dahil katiting lamang ang bilang ng naaresto kumpara sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test na naisagawa sa bansa.

Iginiit pa nito na dapat pairalin ng gobyerno ang awa lalo na’t madaling magkamali ang mga taumbayan na naiipit sa krisis.

Aniya, nasa public health crisis ang bansa at hindi public order crisis.

Samantala, ipinabatid naman ni Elago na susi sa pagligtas ng buhay ang pagpokus sa virus at talamak na kahirapan at kagutuman sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -