29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Panelo may patutsada sa pambabatikos ni Hontiveros kay Duterte

- Advertisement -

Hindi pinalagpas ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang ginawang pambabatikos ni Senator Risa Hontiveros sa paghawak ni Pangulong Duterte sa problema ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Magugunitang sinabi ng Senadora na walang konkretong plano ang pangulo kung paano malalabanan ng bansa ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Dagdag pa nito, na dapat kumilos ang Pangulo ng mabilis gayung binigyan na ito ng dagdag na kapangyarihan para malabanan ang virus.

Dahil dito, pinatutsadahan ni Panelo ang Senadora na maaari umanong may kahirapan ito sa pagdinig sa kasagsagan ng mga isinasagawang televised message ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Panelo, maaaring hindi nito naabutan ang mga isinagawang briefing ng IATF kaugnay sa COVID-19 sa telebisyon, radyo at maging sa dyaryo.

Samantala, inalala naman ni Panelo na isa si Hontiveros sa hindi bumoto sa pagpasa ng Republic Act No. 11469 o Bayanihan To Heal As One Act, na magbibigay ng dagdag na kapangyarihan sa Pangulo para rumesponde sa COVID-19 pandemic.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -