Saturday, May 18, 2024

Bentahan ng sigarilyo sa mga paaralan tutukan ng MMDA

- Advertisement -

Tututukan ng MMDA sa pagbubukas muli ng klase sa susunod na linggo ang bentahan ng sigarilyo sa paligid ng mga paaralan.

Ipinabatid ito ni MMDA Chairman Danny Lim na nagsabing bahagi ng mandato nila ang pangangalaga sa kalusugan ng mga taga Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi ni Lim na magsasagawa sila ng inspeksyon sa mga tindahan sa distansyang isandaang metro sa paligid ng mga paaralan para tiyaking walang nagbebenta ng sigarilyo maging ng e cigarettes.

Kasado na rin aniya ang kanilang information and education campaign maging sa mga pampublikong sasakyan hinggil sa batas na gumagabay sa paninigarilyo.

Bukod dito, inihayag ni Lim na pipinturahandin nila ang mga pedestrian lane sa paligid ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa kanilang pagtawid.

—-
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -