Tulfo muling itinalaga bilang Special Envoy to China

0
49

Itinalaga muli ng Pangulong Rodrigo Duterte ang brodkaster na si Ramon Tulfo bilang Special Envoy for the Public Diplomacy of the President to China.

Nakasaad sa appointment paper ni Tulfo ang anim na buwang termino sa nasabing posisyon.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Dr. Claire Dennis Sioson mapa bilang national statistician ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Si Mapa na pumalit kay Dr. Lisa Grace Bernales ay limang taong manunungkulan bilang pinuno ng PSA.

Itinalaga rin ng pangulo si Allen Arat Capuyan bilang commissioner na magsusulong ng mga pakinabang ng southern at eastern Mindanao sa National Commission on Indigenous People’s Office.

—–