Saturday, May 4, 2024

Balitang pinagsabihan ng hari ng Thailand si Duterte na mag behave sa ASEAN Summit fake news — PCOO

- Advertisement -

Fake news ang kumalat na video statement na nagsasabing nalathala sa Bangkok Post na pinagsabihan ng hari ng Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte na mag behave sa ASEAN Summit.

Hawak ang October 31 edition ng Bangkok Post, ipinakita ni PCOO Secretary Martin Andanar na tungkol sa 5G technology ang nakasulat sa dyaryo na siya ring ginamit sa kumalat na video statement.

Binalaan ni Andanar ang mga gumagawa ng fake news na nagdadawit sa hari ng Thailand na maaari silang makulong ng 15 taon dahil sa paglalabas ng maling balita tungkol sa Thai Royalty.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img