Kadete na na-ospital dahil sa pananakit ng tiyan iniimbestigahan ng PNPA

0
15

Iniimbistigahan ng Philippine National Police Academy o PNPA kung biktima ng hazing ang isang kadete na na ospital dahil sa pananakit ng tiyan.

Ayon sa PNPA, dinala sa PNPA dispensary si Cadet 4th Class John Desiderio noong October 29 subalit ipinalipat ng doktor sa PNP General Hospital sa Camp Crame.

Mula sa Camp Crame ay inilipat rin sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang kadete.

Ayon kay Lt. Col. Byron Allatog, spokesman ng PNPA, hindi nila inaalis ang posibilidad na biktima ng pagmamaltrato si Desiderio kaya’t inaantay nila ang pagbabalik nito sa PNPA para sa kaukulang imbestigasyon.