32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

3 Chinese nationals arestado dahil sa pangingidnap ng kapwa Chinese kapalit ng ransom money

- Advertisement -

Tatlong Chinese nationals ang dinakip ng PNP Anti Kidnapping Group dahil sa pangingidnap ng kapwa Chinese kapalit ng ransom money.

Positibong itinuro ng biktimang si Li Jun ang suspects na sina Qui Xia Lin, Lu Wen Wen at Sun Hao Tian.

Dumating si Li sa Pilipinas upang magtrabaho sa online gaming.

Ayon kay Li, sinalubong siya ng mga suspects sa NAIA nang dumating at dinala sa isang tatlong palapag na gusali kung saan pilit siyang pinapirma sa isang loan agreement na nagkakahalaga ng 160,000 Chinese yuan.

Pagkatapos nito ay pinatawagan di umano sa kanya ang kanyang pamilya upang bayaran ang nilagdaan niyang pagkakautang.

Nakapagbayad umano ng 5,000 Chinese yuan ang pamilya ni Li sa pamamagitan ng online transfer noong araw ding yun.

Gayunman, nagawang tumakas ni Li kinabukasan at nakapagreport sa otoridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -