Wednesday, May 8, 2024

Bagyong Ambo isa nang tropical storm —Pagasa

- Advertisement -

Isa nang ganap na tropical storm ang bagyong Ambo.

Batay sa pinakahuling severe weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 455 kilometro ng silangan, hilagang-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte at 400 kilometro naman mula sa silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Tinatahak naman ng bagyong Ambo ang direksyong hilaga na may bilis na 20 kilometro kada oras.

Ayon sa Pagasa, magdudulot ang tropical storm Ambo ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Mindanao at Eastern Visayas sa susunod na 24 oras.

Samantala, maaari namang itaas sa signal no. 1 sa Eastern at Northern Samar sa susunod na anim hanggang labing dalawang oras.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img