30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Baguio: Pondo para sa itatayong bagong opisina ng kapulisan ng Bokod, prioridad

- Advertisement -

Ang pagpapatayo ng bagong standard PNP building sa Bokod, Benguet  inaasahan na. Ito ang masayang pahayag ni Police Captain Anselmo, na siyang tumatayong police chief ng Bokod. Sinabi ni Anselmo, ito ang naging resulta ng kanilang pag uusap ni Bokod Municipal Mayor Thomas Wales Jr. Ayon kay Anselmo, Si Mayor Wales umano ay nakapasyal na sa lote na kung saan ay ipapatayo ang nasabing gusali ng police ng nasabing munisipyo. Kanya ring sinabi na isasama na ang nasabing lote sa survey para gawin ng Sangguniang Bayan ang isang resolusyon ng donasyon.

Ang nasabing lote ay may laking 400 na square meters. Samantala, naghahanap na ng pondo ang nasabing munisipyo upang maipatayo na ang gusali ng PNP sa kanilang lugar.

(RPN-DZBS/Joel Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -