32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: Pagsasanay ng 99 kapulisan sa PROCOR upang labanan ang terorismo at insurhensiya sinimulan

- Advertisement -

Nagsimula na ang pagsasanay ng 99 na pulis ng Cordillera sa Philex Mines training ground para sa Internal Security Operations na bahagi ng programa ng kapulisan upang labanan ang insurhensiya at terorismo. Sa mensahe ni Police Regional Office – Cordillera Deputy Regional Director for Operations PCol. Ronald Gayo, pinayuhan nito ang mga trainees na maging matiyaga hanggang sa matapos nila ang pagsasanay. Hinikayat nito ang mga bumubuo sa Basic Internal Security Operations Course Class 26-2022 na matuto sa nasabing pagsasanay dahil ito ang huhubog sa kanilang lakas at tiwala sa sarili.

Layunin ng tatlong buwan na pagsasanay na mahasa ang combat operation skills ng mga pulis. Tuturuan din sila ng iba’t ibang istratehiya ng security operations gaya ng counter-terrorism, anti-criminality, special operations, at anti-insurgency operations upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

(Joel Cervantes via RPN-DZBS Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -