Bagong commander ng PSG nagtalaga na

Bagong commander ng PSG nagtalaga na

by Powered by DWIZ
51 views

Nagtalaga na ang Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong commander ng Presidential Security Group (PSG).

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtalaga ng Pangulo kay Coronel Jesus Durante bilang bagong PSG Chief kapalit ni Brigadier General Jose Eriel Niembra na itatalaga naman bilang hepe ng 701st infantry brigade ng Philippine Army.

Si Durante na kasalukuyang Commanding Officer ng Presidential Escorts ng Pangulong Duterte ay nagtapos sa PMA noong 1992.

Nakatakdang isagawa bukas ang change of command sa PSG compound sa Malakaniyang.

0 comment

Related Posts