28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Bagong OFWs hindi muna dapat pagbayarin ng SSS premium contribution – Labor sec

- Advertisement -

Hindi muna dapat pagbayarin ng kanilang kontribusyon sa Social Security System (SSS) premium ang mga bagong overseas filipino workers (OFWs).

Ito, ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kung saan pinababago nito ang implementing rules and regulations (IRR) ng R.A. 11100 o ang Social Security Act.

Anya, dapat magsimula ang paghuhulog ng kontribusyon ng mga OFW, tatlong buwan matapos itong magsimula ng trabaho sa ibang bansa.

Katuwiran ni Bello, ang mga Pilipino na bago pa lamang sa kanilang trabaho sa ibang bansa ay hindi kaagad maituturing na OFW.

Samantala, sinabi naman ni Bello na bukas ang pamunuan ng SSS hinggil sa kanyang posisyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -