Wednesday, May 8, 2024

500 pamilya sa Tondo nasunugan

- Advertisement -

Nawalan ng tirahan ang nasa 500 pamilya sa Happy Land Tondo, Maynila matapos na masunugan noong nakaraang Sabado, ika-18 ng Abril.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), maaaring nagsimula ang sunog sa nag-over heat na bentilador sa ikalawang palapag ng bahay na pag mamay-ari ng isang Antonio “Manong” Bullos at Josephine Villamor sa 6-K Sta. Paquita, Barangay 105, Zone 8, Happy Land, Tondo dakong alas-7:31 ng umaga.

Umakyat naman ang sunog sa ika-apat na alarma dakong alas-7:57 at idineklarang fire out bandang alas-9:41 ng umaga.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa nangyaring sunog.

Gayunman, hindi naman naiwasang maglabasan ang mga residente sa gitna ng umiiral na 24-oras na curfew kung kaya’t mahigpit na binabantayan ng kapulisan ang mga apektadong pamilya upang patuloy na i-obserba ang physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Samantala, tinatayang nasa P1.2-milyon ang halaga ng napinsala ng sunog.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img