29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

COVID-19 testing center ng Marikina pinuri ni Duque

- Advertisement -

Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang ipinatayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing center sa Marikina City.

Ito ay matapos na pagpasyahan ni Duque na personal na bisitahin noong Biyernes ang binuksang COVID-19 testing facility na ipinatayo ni Mayor Marcelino Teodoro at naging operational kahit hindi pa aprubado ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Duque, maganda ang pagkakagawa sa pasilidad kung kaya’t maituturing nya itong isa sa pinakamagandang laboratoryo na kanyang nakita.

Kasabay ng naging pagpuri ng kalihim ang paumanhin nito sa naging mabagal na pag-apruba sa nasabing pasilidad.

Samantala, hinihimok naman ni Duque ang mga lokal na pamahalaan na gayahin ang ginawang pasilidad upang mas paigtingin o mapalawig ang testing capacity sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -