Metro Manila isasalang sa COVID-19 mass testing sa April 21 —Galvez

0
11

Isasalang na sa mass testing ang Metro Manila bukas, ika-21 ng Abril.

Ayon kay National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, ang Metro Manila ang nagsisilbing episentro ng virus sa bansa kung kaya’t uunahin ang mga pinaghihinalaang nadapuan ng sakit.

Aniya, kakayaning maisalang sa COVID-19 testing ang nasa 8,700 katao sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong araw.

Samantala, bumili na rin aniya ang pamahalaan ng 2-milyong rapid testing kits bilang reserba sakaling lumobo pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.