Friday, May 17, 2024

4 Senate staff members nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo ang apat na staff members ng Senado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito mismo ang kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kung saan sinabi nitong dapat na muling i-lockdown ang senado dahil sa mga naitalang kaso ng COVID-19.

Anya, kabilang ang kanyang staff member sa apat na panibagong kaso ng COVID-19 sa senado.

Gayunman, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na kakayanin pa ng senado na muling isailalim sa lockdown.

Matatandaang nito lamang Hunyo nang ilagay ang senado sa semi-lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawa pang senate staff members.

Sa ngayon, nasa kabuuang 20 senate staff members na ang tinamaan ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -