Friday, May 3, 2024

DOH tanggap ang pagtaya ng UP na posibleng umabot sa 100,000 ang COVID-19 cases sa bansa sa Agosto

- Advertisement -

Tanggap ng Department of Health (DOH) ang panibagong pagtataya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na posibleng umabot sa 100,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lagi naman nilang tinatanggap ang anumang pagtataya ng mga eksperto hinggil sa posibleng kahinatnan ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Vergeire, ang mga ganitong uri ng mga ulat o pagtataya ay maaring magamit ng DOH bilang batayan sa mga datos o kaso sa bansa, at upang magsilbi na ring babala sa kung gaano kabilis ang pagkalat ng sakit.

Sa ngayon, nasa higit 51,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img