35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Isa pang opisyal na sisibakin umano ni Pangulong Duterte inaantabayanan

- Advertisement -

Ina-antabayanan na ang isa pang opisyal na sisibakin di umano ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules.

Sinasabing sangkot sa katiwalian ang opisyal at kasalukuyan itong iniimbestigahan.

Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Papua New Guinea, inihayag ng pangulo ang planong pagsibak sa opisyal na hindi niya pinangalanan.

Una rito, sinibak ng pangulo ang tatlong maka kaliwang opisyal ng Dept of Social Welfare and Development dahil sa hindi binanggit na dahilan.

Ang mga tinanggal na undersecretaries ay sina Maria Lourdes Turalde-Jarabe, Mae Ancheta-Templa at Hope Hervilla.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -