Friday, May 17, 2024

2 patay makaraang pagbabarilin sa Quezon City

- Advertisement -

Patay ang isang taxi operator at isang driver makaraang pagbabarilin ng mga lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa St. Joseph St., Brgy. Payatas, Quezon City.

Kinilala ni Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station, ang mga biktima na sina Jordan So at Roger Soquita.

Naglalakad lamang sa St. Joseph Street ang mga biktima nang sumulpot ang mga salarin at pinagbabaril ang mga ito bago tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -