Tuesday, May 7, 2024

2 MMDA traffic enforcer arestado sa pangongotong

- Advertisement -

Arestado ang dalawang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos na mangotong sa dalawang food delivery motorcycle rider sa Makati City noong Biyernes, ika-17 ng Abril.

Ayon sa Makati Police, nagreklamo ang dalawang biktimang sina Francis Vincent Peria at Nino Paulo Aguda dahil magdedeliver lang umano sila ng pagkain nang parahin sila ng mga suspek sa EDSA Ayala Southbound, loading/unloading bay sa Barangay San Lorenzo, Makati City.

Ayaw umano silang padaanin ng dalawang enforcer hanggat hindi nagbibigay ng pera kung kaya’t napilitan ang mga biktima na mag-abot.

Nang makalagpas ang mga biktima ay agad itong humingi ng tulong sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita at narekober sa mga enforcer ang extortion money.

Samantala, nahaharap naman ang mga suspek na kinilalang sina Darwin Reyes Residente ng Pantok, Binangonan, Rizal at Elmer Balunsat na kapwa traffic constable sa reklamong robbery extortion.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img