COVID-19 cases sa bansa lumobo na sa 6,259

0
22

Lumobo na sa 6,259 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot naman sa 572 ang nakarekober sa sakit dahil sa karagdagang 56 na gumaling.

Umakyat naman sa 409 ang naitalang nasawi matapos na makapagtala ng 12 panibagong pagkamatay sa COVID-19.

Samantala, nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan pa ring magpahinga ng dalawang linggo sa bahay ang mga nakakarekober sa COVID-19.

Kasabay naman nito ang paalala sa mga nag-aalaga ng mga COVID-19 patients na naka-home quarantine na magsuot din ng PPE kapag kinukuha ang mga health care waste ng mga pasyente at dalhin ang mga ito sa ospital at laboratoryo para sa tamang disposal.