Tuesday, May 7, 2024

12,000 COVID-19 tests kada araw naisasagawa na —DOH

- Advertisement -

Nakapagsasagawa na ang mga laboratoryo sa bansa ng mahigit 12,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests kada araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 12,400 ang kabuuang bilang ng mga samples ang natetest ng 64 na lisensyadong laboratoryo sa bansa.

Gayunman, sinabi naman ni Vergeire na pabagu-bago ito kung saan noong ika-21 ng Hunyo ay 10,967 ang naisagawang test, habang noong ika-17 ng Hunyo naman ay umabot sa 16,000 sa loob lamang ng isang araw,

Samantala, magugunitang unang target ng gobyerno ang makapagsagawa ng 8,000 test kada araw at itinaas pa ito sa 30,000.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img