Zarate humirit sa Manila Water, Maynilad na ‘wag munang maningil sa mga consumers

0
13

Humihirit si Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate sa Manila Water at Maynilad na huwag munang maningil ng isang buwang konsumo ng tubig sa mga consumers.

Paliwanag ni Zarate, hindi pa kasi nakakabawi ang publiko sa problemang idinulot ng bill shock ng Meralco kung kaya’t huwag na muna sanang sundan ito ng panibagong mataas na singil sa tubig.

Ayon pa sa kongresista, tulong na lamang ito ng dalawang water concessionaire sa taumbayan lalo na sa mga mahihirap na pamilya na nawalan ng trabaho o di kaya’y apektado ng lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinatitiyak naman ni Zarate sa Maynilad at Manila Water ang metro ng mga consumers bago maningil upang masiguro na tama ang halaga at konsumo na makikita sa billing statement.

Samantala, umaapela rin si Zararte sa kamara na silipin ang mataas na singil sa tubig ng dalawang kumpanya sa gitna ng nararanasang pandemya sa bansa.