Friday, May 17, 2024

11,000 manggagawa mawawalan ng trabaho kung magtapos ang prangkisa ng ABS-CBN

- Advertisement -

Labing-isang libong (11,000) manggagawa ang mawawalan ng trabaho kapag nagtagumpay ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Ibinabala ito ni Congresswoman Sol Aragones, dating reporter ng ABS-CBN at may akda ng panukalang batas para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Aragones, iginagalang niya ang paghahain ng petisyon ni Calida subalit umaasa pa rin sya na lulusot ang franchise bill para sa ABS-CBN na inakda ng 15 mambabatas.

Sa Marso nakatakdang magtapos ang prangkisa ng ABS-CBN subalit naniniwala si Aragones na kaya pa nila itong habulin dahil hanggang March 11 pa naman ang sesyon ng Kongreso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -