ASPIRE 2019 MATAGUMPAY NA NAIDAOS

by RPN News
0 comment
ASPIRE 2019 MATAGUMPAY NA NAIDAOS

General Santos City- Matagumpay na naidaos ng Department of Agriculture Region 12 o DA 12 ang Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition o ASPIRE, na may temang “Agri Kita sa Dose”, sa ikatlo nitong taon. Ginanap ito mula Biyernes ng umaga, Hulyo 5 hanggang Linggo ng hapon, Hulyo 7, sa isang mall sa General Santos City.Layon ng ASPIRE na mapakita ang paglago ng agribusiness industry at ang mga oportunidad na nagbukas sa mga negosyante, posibleng masmalaking kita, pagbibigay kabuhayan sa mga nasa rural area, pagpapamalas ng sustainable agriculture and fishery, pagpapaunlad sa produksyon at processing ng mga produkto sa pamamagitan ng branding, packaging at pagkuha ng mga sertipiko para sa global market sa rehiyon 12.Sa panayam ng RPN DXDX GenSan kay DA 12 Executive Director Milagros Casis, kinakailangan diumanong makilala ng mga producer at manufacturer ang kani-kanilang mga market. Nang sa ganoon ay maging produktibo sila sa paggawa, pagpapaunlad at promosyon ng kanilang mga produkto. Dapat rin na maintindihan ng mga nasa agribusiness industry ang mga batas at mga polisiya ng pamahalaan, at mga certifying bodies para sa domestic at export standards. Marapat na angkop ang mga na-produce at manufacture na mga produkto nang saganoon ay maging stable ang market at ang kita.Sa tatlong taon ng ASPIRE, nagpapasalamat si Casis ay nagawa sa mga ahensyang patuloy na nakikipagtulungan sa Department of Agriculture 12, kagaya ng Department of Trade and Industry o DTI, Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI, local na pamahalaan ng General Santos, mga pribadong sektor, at ng mga industry players.Nasa 50 mga agripreneurs ang lumahok sa exhibit ngayong taon na napuri dahil sa ganda ng packaging ng kanilang mga produkto na ipinagmalaki pa ng DA. Maari na diumanong pang-export ang mga produktong napabilang sa exhibit dahil sa kwalidad at linis ng mga presentasyon sa mga ito. Binubuo ang exhibit ng mga agripreneurs, mula SOCSKSARGEN, na nagnenegosyo ng mga produktong kagaya ng tuna products, fishery products, at iba pang mga raw at processed agricultural products. Karamihan sa mga ito ay mga Micro, Small, and Medium Enterprises o MSME.

Maliban sa mga exhibit ng mga agripreneurs, ng ASPIRE 2019 ay binuo mga sessions kung saan ay itinuro sa mga dumalo ang pagpili ng loan plans para makapagsimula ng nais na agri-industry at iba pang mga business opportunities, business opportunities sa pagtatanim ng mushroom at cacao, Cacao Standards for international Market, at proseso ng pag-export ng mga agricultural products para sa Asian market.

Related Posts

Leave a Comment