FDA babala sa mga hindi rehistradong Food Supplements

0
49

Nagbabala ang FDA o Food and Drug Administration laban sa pagbili at pag-inom ng mga hindi rehistradong Food Supplements na mabibili sa Merkado.

Sa ipinalabas na abiso ng FDA, kabilang sa mga Food Supplement na hindi anila nakarehistro at wala pang Certificates of Product Registration ang Truhaircare Premium Formula, On Glutamine Powder, 1up Nutrition Recharge Pm Burner Sleep Aid.

Gayundin ang BPI Sports Roxy Lean Medi-Biological Weight Loss Dietary Supplement, Muscletech Performance Series Cell Tech Orange Flavor, Muscletech Pro Series Muscle Builder Dietary Supplement, Muscletech Essential Series Platinum Garcinia Triple Dose.

Muscletech Performance Series Hydroxycut Hardcore Next Gen Dietary SupplementMuscletech Performance Series Vaporx5 at ICY Rocket Freeze Natural and Artificial Flavor.

Babala ng FDA, posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ang mga nabanggit na hindi rehistradong Food Supplements