29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Cong. Alan Peter Cayetano pinasalamatan si Pangulong Duterte matapos siyang i endorso bilang House speaker

- Advertisement -

Pinasalamatan ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano ang diyos at si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang i-endorso para sa House speakership kahati ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Sa kanyang naging mensahe, sinabi ni Cayetano na maituturing niyang answered prayer ang naging anunsyo ng pangulo.

Tiniyak din ni Cayetano na gagawin niya ang lahat para maging “congress of the people” ang Mababang Kapulungan.

Nanawagan din si Cayetano sa iba pang mga kongresista ng pagkakaisa para matamo ang hangarin ng administrasyong Duterte na labanan ang kurapsyon, iligal na droga at krimen at maiangat ang kabuhayan ng bawat Pilipino.

“Let’s work together and let’s not make it about politicians, about ourself, about the Duterte administration, that something can really uplift ang kabuhayan ng bawat Pilipino. So sa lahat ng mga congressman din na nakikinig at nagmo-monitor, please join the die hard Duterte super majority. The DDSM has come to town and we’re going to show, hindi lang po ang Pangulong Duterte ang pwedeng magkaroon ng political will kundi pati rin po an gating House of Representatives”. — Pahayag ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano

(with report from Jill Resontoc)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -