Saturday, May 4, 2024

Yellow rainfall warning itinaas sa Zambales

- Advertisement -

Makararanas ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon dala ng Bagyong ‘Quiel’.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 445-kilometro kanluran, timog-kanluran ng Subic, Zambales.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (kph) at  pagbugsong aabot sa 80 kph.

Kumikilos ito sa bilis na 10-kilometro pa-timog silangang direksiyon.

Samantala, itinaas na ang Yellow Heavy Rainfall warning sa Zambales at makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera.

Asahan na rin ang pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Bataan, CALABARZON at MIMAROPA.

Samantala, hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang Bagyong ‘Quiel’.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img