30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Red-tagging sa ilang grupo pinabulaanan ng DND

- Advertisement -

Pinabulaan ng Department of National Defense (DND) na nagdeklara sila ng red-tagging sa ilang grupo.

Ito ay matapos almahan ng grupo ng Gabriela ang pagkakasama sakanila sa listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang grupo na may ugnayan sa mga komunista.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kanilang ginawang basehan sa naturang listahan ang mga isiniwalat o impormasyong kanilang nakalap sa mga nahuhuli sa mga na-engkwentro ng militar sa bakbakan.

Aniya, ang naturang hakbang ay hindi senyales ng pagdedeklara ng martial law.

Sa huli, iginiit din ng DND na kanilang pinagsusumikapan ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko at ang pagkakaroon ng maayos na pagbabantay sa mga teritoryo ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -