Sunday, May 5, 2024

‘White sand’ sa Manila Bay mapanganib sa kalusugan —group

- Advertisement -

Nagbabala ang isang grupo na hindi ligtas sa kalusugan ng isang tao ang inilagay na artificial white sand sa Manila Bay.

Ayon sa grupong Infrawatch Philippines, ang dinurog na dolomite rock ay nagdudulot ng iritasyon sa mata, mga sakit sa baga at maging cancer.

Nabatid na dinurog na dolomite rock ang ginamit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang artificial white sand sa Manila Bay na bahagi ng P389-milyong beach nourishment project ng gobyerno.

Samantala, pinabuaalanan naman ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ang naging pahayag ng grupo.

Giit nito, kanila na itong napag-aralan at wala umano itong hazard lalo na sa pangkalusugan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img