Monday, May 6, 2024

WestMinCom ipinauubaya na sa gobyerno ang pakikipag-usap sa Chinese gov’t

- Advertisement -

Ipinauubaya na ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa national government ang pakikipag-usap sa Chinese government kaugnay ng patuloy na pagpasok ng kanilang barkong pandigma sa teritoryo ng Pilipinas nang walang paalam.

Ayon kay WestMinCom Chief Lt. General Cirilito Sobejana, nagawa na ng western command ang kanilang obligasyon nang lapitan nila at subukang kausapin ang mga sakay ng Chinese warship.

Sinabi ni Sobejana na bagamat hindi sinasagot ng Chinese warship ang kanilang mga tawag kusang loob naman itong lumayo at lumabas ng teritoryo ng Pilipinas nang lapitan ng puwersa ng Wesmincom.

Iginiit ni Sobejana na dapat ay nagpapaalam ang Chinese warship na pumapasok sa karagatang sakop na ng Pilipinas.

Una nang namataan ang mga Chinese warships na ilang beses nang pumasok sa Sibutu strait sa Tawi-Tawi nang hindi nakikipag-ugnayan sa mga otoridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img