Mga Pinoy na magsusumite ng pekeng dokumento sa visa application patungong U.S. binalaan

0
43

Binalaan ng U.S. embassy ang mga Pilipinong magtutungo sa Amerika na matutuklasang nagsumite ng mga pekeng dokumento para sa kanilang visa application.

Ayon kay Leon Gendin, fraud prevention manager ng embahada, maaaring ma-ban na panghabambuhay ang mabibistong gumamit ng mga pekeng dokumento.

Kasabay nito, pinag-iingat din ang mga Pinoy sa mga nag-aalok ng mabilis na serbisyo para sa birth at marriage certificates o mga fixer na kadalasang pinagmumulan ng mga pekeng dokumento.

Hindi umano biro ang kakayahan ng emabahada para malaman kung peke o hindi ang mga dokumento dahil sa anti-fraud campaign na inilunsad noong 2012.