Thursday, May 9, 2024

Viral video ng UP Visayas Cheering Squad ipinagkibit balikat lang ng Malakanyang

- Advertisement -

Dedma lamang ang Malakanyang sa nag viral video ng mga estudyante sa University of the Philippines Visayas kung saan binaggit ang “Kill the president”.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng nagbibiro lamang ang mga estudyante at dahil malayang bansa naman ang Pilipinas ay malaya ang sino man na magpahayag ng kanilang saloobin.

Inihalimbawa pa nito ang pangulo na palaging nagbibiro na papatayin ang mga adik kaya posible aniyang ginagawa lamang ng mga estudyante ang pangulo.

Kaugnay nito, wala naman balak ang Palasyo na patahimikin ang mga taga suporta ng pangulo na sinasabing nagbabanta at nang ha harass sa mga estudyante ng UP Visayas dahil natural na reaksyon lamang ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img