Thursday, May 2, 2024

Video ng 2 pulis na pwersahang kinumpiska ang mga gamit pangkilos-protesta sa loob ng simbahan sa Quiapo trending

- Advertisement -

Nagtrending ang isang video sa social media kung saan makikitang pwersahang kinumpiska ng dalawang pulis ang mga placards ng isang lalaki na nagsisimba sa loob ng Quiapo Church sa Maynila, kahapon ng umaga.

Ang naturang video ay kuha ng isang miyembro ng grupong Akbayan Youth na si Raymond John Naguit na ibinahagi rin ni Senador Risa Hontiveros sa kanyang Twitter account.

Makikita sa video na habang nasa kasagsagan ng misa ay sapilitang inagaw ng dalawang pulis ang placards at iba pang gamit ng lalaki na pangkilos-protesta na nakalagay sa isang bag.

Dahil dito, muling umani ng batikos ang kapulisan dahil sa tahasang pagkumpiska ng gamit ng lalaking nagdadasal lamang sa loob ng simbahan.

Pinaniniwalaan ng iba na epekto umano ito ng ipinasang anti-terror act habang ang iba naman ay kumukwestyon kung bakit kailangan pang magdala ng placards sa loob ng simbahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img