35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

2 Miyembro Ng NPA Sumuko Na Sa Lalawigan Ng Sarangani

- Advertisement -

Dalawang miyembro ng teroristang New People’s Army o NPA ang boluntaryong sumuko sa 73rd Infantry Battalion at Sarangani Provincial Police Office kahapon, Hulyo 24, 2020.

Sa pamumuno nina Lt. Col. Ronaldo G Valdez at PMaj Jomero Sentinta, naging matagumpay ang pagsuko ng mag-asawang sina alyas Dan at alyas Anna, mga di tubay na pangalan, sa kasundaluhan at kapulisan. Si alyas Dan ay isang Pampulitikang Tagapagturo samantakang si alyas Anna naman ay Medikal na Opisyal. Sila ay kasapi sa Platun Central ng Weakened Guerilla Front TALA Far South Mindanao Region at pawang mga residente ng nasabing bayan.

Ang pagsuko ni alyas Lima at iba pang mga komander ng NPA kamakailan ang nag-udyok sa mag-asawa na sumuko na rin. Ayon sa interbyu sa dalawa, dahil sa magkakaiba ang tribu ng mga komander ng hukbo ay nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa kanilang grupo na maaaring magresulta ng ‘mass surrender’

Gusto ng mag-asawa na magkaroon na sila ng anak na matagal na nilang pinanapangarap ngunit hindi nila maisakatuparan dahil sa mga hindi makataong patakaran sa loob ng teroristang grupo.73rd IB CMO

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -